Sisimulan sa Pilipinas ang mga 2019 Forex Seminar ng XM

Ipinaskil Disyembre 13, 2018 ng 9:19 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ianunsyo ang pagsisimula ng mga bagong intensibong seminar sa Pilipinas tungkol sa pag-trade ng forex, na gaganapin sa Pebrero 2019 sa magkakaibang lungsod dito sa bansang nasa Timog-Silangang Asya. May layunin itong makapagbigay sa mga nag-iinvest online ng libreng edukasyon na may mataas na kalidad.

Ang unang mga destinasyon ng seminar na magsisimula sa Pebrero 23 ay ang Manila, Cagayan de Oro, Cebu at Baguio, na susundan ng iba pang lokasyon sa buong taon.

Sa bawat isa sa apat na lokasyon, ang seminar na pinamagatang Mga Pamamaraan sa Avramis Forex Swing Trading ay ipipresenta ni Jonathan Lou Reyes. Ipapakilala niya ang mga mapapakinabangang pamamaraan sa technical analysis, para sa mga pursigidong matuto ng praktikal na kaalaman tungkol sa swing trading.

Maraming mababahagi ang seminar sa mga bago at kasalukuyang kliyente ng XM na handang maging pamilyar sa mga bentahe ng swing trading, pati na sa mga pamamaraan na maaring magamit para sa mas tamang pag-analisa ng trend at pattern ng presyo. Matututunan din nila kung paano makita ang malalaking paggalaw ng presyo at maglagay ng tamang laki ng position para sa pamamahala ng risk.

Nasasabik na kaming makilala ka sa alinmang lokasyon at petsa ng seminar na iyong napili. Para magbasa pa tungkol sa mga nalalapit na kaganapan at para makapag-reserba na kaagad ng puwesto, mangyaring mag-click dito.