Nalalapit: Mga 2019 Seminar sa Forex ng XM sa Mexico

Ipinaskil Disyembre 13, 2018 ng 4:32 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ianunsyo ang nalalapit na serye ng mga 2019 seminar tungkol sa pag-trade ng forex na isasagawa ng XM sa buong Mexico, simula sa Enero.

Bilang tugon sa tumataas na demand sa Latin America para sa mga propesyonal na seminar sa forex na isinasagawa ng XM para matulungan ang mga nag-iinvest online na pabutihin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pag-trade, natutuwa kaming ipaalam sa aming mga kasalukuyan at bagong kliyente na sa 2019, patuloy kaming magsasagawa ng mga libreng seminar sa mas marami pang lokasyon.

Ang Mexico ang isa sa mga nangungunang destinasyon sa Latin America, at simula Enero papalawakin pa namin ang mga lokasyon ng aming seminar para maabot ang mas maraming nagti-trade ng forex na nais makatanggap ng libreng edukasyon mula sa XM.

Ang unang serye ng seminar sa Mexico sa 2019 ay gaganapin sa iba’t-ibang lungsod sa Enero at Pebrero, na makakarating sa Mexico City, León, Puebla, Querétaro at Guadalajara. Sa bawat isa, tatalakayin ng kilalang tagapagturo sa forex na si Karl Praz ang mapapakinabangang paksa na hindi dapat palampasin: Paano Mag-trade Gamit ang Ichimoku Kinko Hyo.

Para sa mga nais magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi tungkol sa pandaigdigang market sa forex at paggamit ng technical indicators, lalo na ang Ichimoku indicator, at para matuto kung paano magsagawa ng signal sa pagpasok at paglabas, at maglagay ng stop-loss, take-profit orders nang mas tama, maraming maidudulot ang aming seminar.

Para magbasa pa tungkol sa paksa ng seminar at para sa libreng rehistrasyon sa lokasyon at petsa na iyong napili, mangyaring mag-click dito.