Ang Pinakamabilis na Tao sa Buong Mundo ay Ambasador na ng XM

Ipinaskil Nobyembre 14, 2016 ng 4:01 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Si Usain Bolt ay XM at ang XM ay si Usain Bolt. Parehas naming nire-representa ang parehang prinsipyo at halaga ng brand – ngunit sa magkaibang aspeto lamang. Sa parehang paraan na ang bilis at pasyon ni Usain ay nagbigay-daan para sa kanyang tagumpay, bilis at pasyon din ang naging dahilan para sa tagumpay ng XM.

Chris A. Zacharia, Marketing Director ng XM Group

Ini-aanunsyo namin nang buong kagalakan na simula ngayong araw, 14/11/2016, sinisimulan ng XM ang pakikipag-ugnayan nito sa pinakamabilis na tao sa buong mundo na si Usain Bolt, na opisyal na Brand Ambassador na ng XM.

Kilala bilang pinakamabilis na tao sa mundo, ang siyam na beses na Jamaican Olympic gold medalist at labing-isang beses na world champion na si Usain Bolt, na kilala din bilang Lightning Bolt dahil sa husay nito, ay pumirma ng kasunduan sa XM para maging opisyal na Brand Ambassador sa susunod na tatlong taon.

”Katulad ng XM, ang aking kagustuhan ay maging ang pinkamabilis”, isinaad ni Bolt noong opisyal na pag-anunsyo, at, “Masaya akong makipag-ugnayan sa award-winning forex at CFD broker na XM. Ang XM at ako may parehas na halaga sa brand at nais naming maging pinakamahusay sa aming ginagawa. Ang kanilang reputasyon ay tumulong sa kanila para maging lider sa industriya.”

Ang pagiging opisyal na sponsor ng XM sa pinaka-tanyag na atleta sa mundo ay hindi lamang isang pribilehiyo kung hindi isa ding patunay ng pagkakaroon ng parehas na bisyon at halaga ni Usain Bolt: pasyon para sa ginagawa at dedikasyon sa patuloy na kalidad.