Sinuportahan namin ang Forex Expo Dubai 2023

Ipinaskil Nobyembre 10, 2023 ng 10:25 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Isang malaking karangalan ang maging Titanium Sponsor sa ika-6 na taunang Forex Expo Dubai na isinagawa mula Setyembre 26–27 sa World Trade Center.

Ang Forex Expo 2023 ay nagsilbi bilang enggrandeng lugar para bumuo ng matatag na pakikipag-ugnayan ang mga forex trader, IB, investor, pinansyal na institusyon, at broker na mula sa iba’t-ibang aspeto ng pananalapi.

Ito rin ang pinakamainam na lugar para makilala ang mga nangungunang tagapagbigay-serbisyo at lumawak ang kaalaman, makisalamuha sa iba, at tuklasin ang kabuuang estado ng pamumuhunan. Sa kabuuan, mahigit sa 12,000 bisita mula sa 35 bansa, at higit sa 130 propesyonal ang nagsama-sama para matuto, kumonekta, at makibalita sa mga pinakabagong kaganapan sa industriya.