Mga VIP Affiliate Pinarangalan sa Isang Handaan

Ipinaskil Abril 21, 2023 ng 10:16 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Marso 2023, sinorpresa namin ang aming mga VIP affiliate sa isang kakaibang karanasan. Naghanda kami ng enggrandeng pangkalawakang hapunan, kung saan kinilala at ipinagdiwang namin ang kanilang tagumpay!

Ang venue ay ginawang spaceship ng XM na nagdala sa mga partner sa kamangha-manghang pagbisita sa Mars at Saturn. Nakapagdagdag sa karanasan nila ang gourmet na hapunan na may temang pangkalawakan, kaya siguradong hindi nila makakalimutan ang gabing ito. Tumugtog ang live na musika habang nakisalamuha at nagdiwang ang mga bisita sa gabi na puno ng kasiyahan.

Inabangan sa hapunan ang seremonya ng pagbibigay ng mga parangal. Ipinagmamalaki namin ang sandaling ito kung saan kinilala namin ang bawat isang partner na dumalo dahil sa kanilang husay, pagsisikap, at dedikasyon.

Salamat sa lahat ng affiliate na pumunta at naging dahilan para magtagumpay ang handaang ito. Nagpapasalamat kami sa inyong pagsisikap at walang-sawang pagtangkilik, at aabangan namin ang iba pang pagkakataon para makasama kayo. Walang hangganan ang sabay nating pagtatagumpay!

Gusto mo rin bang pagandahin ang iyong performance at makinabang sa pinakamagandang affiliate program? Maging partner na ngayon!