Malapit na: XM Forex Seminar sa Kuala Lumpur

Ipinaskil Abril 29, 2016 ng 7:00 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang ika-22 ng May 2016 ay isang importanteng event para sa lahat ng mga kliyente ng XM na nais dumalo sa masinsinang forex seminar na isasagawa sa Kuala Lumpur tungkol sa mga pinaka-importanteng kasanayan sa technical analysis.

Ang libreng forex seminar na isasagawa sa Sheraton Imperial Kuala Lumpur Hotel ay ipe-presenta ng sertipikadong Tradepedia instruktor na si Marios Pashardes, na may pakay para ipaalam ang kahalagahan at tamang paggamit ng Dynamic Support at Resistance Pivots.

Dedikado sa pagtalakay sa paksa ng technical analysis, kabilang na ang kahalagahan ng mga market trend at support-resistance levels, malaki ang maibibigay ng seminar sa parehang baguhan at may kasanayang mga trader na magkakaroon ng pagkakaton na matuto kung paano makita ang mga key support-resistance levels sa iba’t-ibang mga time frames at palawakin ang kaalaman sa pag-analisa ng market at close profitable trades.

Dahil ang bawat trader ay may iba’t-ibang paghawak sa online investing, magbibigay din si Marios Pashardes ng pananaw kung paano matagumpay na magagamit ang mga teknik sa technical analysis sa indibidwal na pag-trade para makasunod sa systematic trading plan sa regular na basehan.

Inaabangan ng mga kinatawan ng XM na anyayahin lahat ng nais makasali sa isang dynamic na seminar para palawakin ang kanilang kasanayan sa pag-trade sa pamamagitan ng pamumuno ni Marios Pashardes. Para magbasa pa tungkol sa mga detalye at mag-rehistro para sa event na ito, mag-click dito.