UK Referendum – Importanteng Notipikasyon

Ipinaskil Hunyo 21, 2016 ng 7:48 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Kaugnay ng aming nakaraang balita tungkol sa nalalapit na United Kingdom referendum (“EU Brexit” referendum) na isasagawa sa ika-23 ng June 2016, at para protektahan ang aming mga kliyente at ang Kumpanya mula sa inaasahang pagkagulo sa market habang nagaganap ang referendum, ipapatupad ng XM ang mga sumusunod na patakaran:

Mula 01:00 server time (GMT+3) sa Thursday, ika-23 ng June 2016, ang kinakailangang margin para sa parehong bago at kasalukuyang mga position ay pansamantalang itataas sa lahat ng mga instrument:

  • 4% (25:1 leverage) sa lahat ng currency pairs, Gold at Silver at
  • 10% (10:1 leverage) sa lahat ng CFDs sa mga Equity Indeks at Commodities.

Matapos ianunsyo ang resulta ng UK Referendum sa ika-24 ng June 2016, ang kinakailangang margin para sa parehong bago at kasalukuyang mga position ay ibababa sa lahat ng currency pairs, Gold at Silver sa 1% (100:1 leverage).

Ang pansamantalang patakarang ito ay hindi na ipatutupad bago magbukas ang market sa Monday, ika-27 ng June 2016, at ang kinakailangang margin sa lahat ng mga instrument ay awtomatikong ibabalik sa nakaraang leverage ng kliyente base sa kanilang account at mga instrument.

Dapat siguruhin ng mga kliyente na magta-trade sa mga pair na ito na sapat na napondohan ang kanilang mga account para maiwasan ang anumang pagkaabala mula sa posibleng margin calls at/o stop-outs sa kanilang pag-trade.