Tatlong Taong Kawanggawa ng XM sa Uganda

Ipinaskil Nobyembre 22, 2019 ng 12:42 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong 2017, inumpisahan ng XM ang malawak na kawanggawa nito na may layuning makapagbigay ng donasyon at matulungan ang lokal na komunidad sa distrito ng Wakiso sa Uganda, sa pamamagitan ng mga mapagkawanggawang aktibidad.

Sa pagsisikap na mabawasan ang paghihikahos ng mga kabataan at masuportahan ang kanilang mga pamilya, nakipagtulungan ang XM kay Father Antonios Mutyaba, isang lokal na pari na dedikadong hubugin ang hinaharap ng kanyang komunidad, kasama ng organisasyong Loving Hands.

Sa loob ng maraming taon, ilang beses nang nakapaglakbay ang XM sa Wakiso para magbigay ng donasyon, mapatibay ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na mamamayan, at higit sa lahat makabuo ng matibay na puwersa para sa inaasam na pagbabago sa buhay ng mga taong nawalan ng boses sa lipunan.

Ang mga pangunahing aktibidad ng XM sa Misyon sa Uganda: Pagbibigay ng Patas na Oportunidad ay ang sumusunod:

  • Pagpapatayo ng gusali sa Aristotle Primary School sa Wakiso noong 2017 para sa mga kabataan ng Young Comrades Primary School sa Wakiso
  • Pangangalap at pagbibigay ng perang donasyon sa lokal na ampunan ng Wakiso sa pamamagitan ng mga handaan ng mga empleyado ng XM para sa kawanggawa
  • Pangangalap ng pera gamit ang pagbebenta ng mga handicraft na gawang Uganda sa iba’t-ibang mga merkado
  • Inagurasyon ng gusali sa Aristotle Primary School at pagbibigay ng perang donasyon, pagkain at damit sa lokal na komunidad ng Monde at Wakiso
  • Pakikipagtulungan sa organisasyong Loving Hands para masuportahan ang iba pang mga eskwelahan at edukasyon ng marami pang kabataan sa buong Uganda
  • Pag-aalok ng oportunidad sa mga estudyante sa Uganda para maging intern sa XM
  • Pagsasagawa ng inisyatibo na mangalap ng pera para matugunan ang pangangailangan ng mahigit sa 70 batang babae sa St. Antonios of Monde Orphanage
  • Konstruksyon ng bagong kusina sa St. Antonios of Monde Orphanage

Ngayong Oktubre, bumisita ulit kami sa iba’t-ibang parokya sa Uganda kasama ng mga kinatawan ng Loving Hands Foundation para gunitain ang konstruksyon at pagpapaganda ng bagong kusina para sa Saint Antonios of Monde Orphanage, at pagpapadala ng mga kinakailangang pagkain sa mga lokal na mamamayan. Bukod dito, inimbitahan din namin ngayon ang isa sa mga pinakakilalang pediatrician sa Cyprus na si Dr. Argyris Argyrou, para samahan kami sa aming paglalakbay sa Uganda, at makapagbigay ng bakuna sa mga bata at matatanda, at maturuan sila ng tamang kalinisan na makakatulong upang mapabuti ang kanilang araw-araw na kasanayan sa kalinisang personal, tubig, pagkain at kabahayan.

Para sa XM layunin namin ang magsagawa ng pagkakaiba: ang magdagdag ng kahulugan at saysay sa indibidwal na buhay at magbigay ng pagbabago na huhubog sa hinaharap. Ang malawak naming kawanggawa sa Uganda ay umabot na ng tatlong taon – tatlong taong kawanggawa na mabilis lumago sa isang proyektong panlipunan na pinapatakbo ng pagpapahalaga at kalinga ng napakaraming tao. Gusto naming pasalamatan ang bawat isa sa mga tumulong para makamit ito.