Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Noong 2017, inumpisahan ng XM ang malawak na kawanggawa nito na may layuning makapagbigay ng donasyon at matulungan ang lokal na komunidad sa distrito ng Wakiso sa Uganda, sa pamamagitan ng mga mapagkawanggawang aktibidad.
Sa pagsisikap na mabawasan ang paghihikahos ng mga kabataan at masuportahan ang kanilang mga pamilya, nakipagtulungan ang XM kay Father Antonios Mutyaba, isang lokal na pari na dedikadong hubugin ang hinaharap ng kanyang komunidad, kasama ng organisasyong Loving Hands.
Sa loob ng maraming taon, ilang beses nang nakapaglakbay ang XM sa Wakiso para magbigay ng donasyon, mapatibay ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na mamamayan, at higit sa lahat makabuo ng matibay na puwersa para sa inaasam na pagbabago sa buhay ng mga taong nawalan ng boses sa lipunan.
Ang mga pangunahing aktibidad ng XM sa Misyon sa Uganda: Pagbibigay ng Patas na Oportunidad ay ang sumusunod:
Ngayong Oktubre, bumisita ulit kami sa iba’t-ibang parokya sa Uganda kasama ng mga kinatawan ng Loving Hands Foundation para gunitain ang konstruksyon at pagpapaganda ng bagong kusina para sa Saint Antonios of Monde Orphanage, at pagpapadala ng mga kinakailangang pagkain sa mga lokal na mamamayan. Bukod dito, inimbitahan din namin ngayon ang isa sa mga pinakakilalang pediatrician sa Cyprus na si Dr. Argyris Argyrou, para samahan kami sa aming paglalakbay sa Uganda, at makapagbigay ng bakuna sa mga bata at matatanda, at maturuan sila ng tamang kalinisan na makakatulong upang mapabuti ang kanilang araw-araw na kasanayan sa kalinisang personal, tubig, pagkain at kabahayan.
Para sa XM layunin namin ang magsagawa ng pagkakaiba: ang magdagdag ng kahulugan at saysay sa indibidwal na buhay at magbigay ng pagbabago na huhubog sa hinaharap. Ang malawak naming kawanggawa sa Uganda ay umabot na ng tatlong taon – tatlong taong kawanggawa na mabilis lumago sa isang proyektong panlipunan na pinapatakbo ng pagpapahalaga at kalinga ng napakaraming tao. Gusto naming pasalamatan ang bawat isa sa mga tumulong para makamit ito.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.