Ika-5 Handaan ng XM Para sa mga Ulila sa Uganda

Ipinaskil Enero 5, 2023 ng 12:12 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Disyembre 2022, inorganisa ng XM ang ika-5 nitong salo-salo para sa mga ulila sa Uganda. Lumikom kami ng pera mula sa aming mga opisina sa Cyprus at Greece sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga gamit at pagkain na galing Uganda. Bahagi ito ng patuloy na suporta ng XM sa Saint Antonios of Monde Orphanage.

Nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga empleyado ng XM na tumulong sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng pagbili ng masasarap na pagkain na niluto ng mga boluntaryo. Mabentang-mabenta rin ang mga makukulay na kagamitang pambahay, alahas, at mga accessory mula sa Uganda. Mapupunta ang pera sa ampunan na nasa Wobulenzi, Uganda, na magpapamahagi ng pagkain at medisina sa mahigit 400 batang nangangailangan.

Ayon sa UNICEF, mahigit 2 milyong bata sa Uganda ang naulila nitong nakaraang dekada. Dahil dito, marami sa kanila ang hindi nabibigyan ng pagkakataong bumuo ng kinabukasan at lumaki bilang edukado at maunlad na indibidwal, na hindi umaasa sa suporta ng iba.

Sinimulan ng XM ang pagtulong sa mga bata sa Uganda noong 2017, at patuloy kaming nakatutok sa misyon na hubugin ang kanilang paglaki at gumawa ng patas na oportunidad para sa lahat. Maliban sa paglikom ng pondo, tumulong din ang XM sa pagpapatayo ng paaralan at nakipagsanib-pwersa sa mga lokal na organisasyon upang buwagin ang mga hadlang sa edukasyon.

Patuloy ang aming dedikasyon sa pagbibigay ng mas magandang hinaharap at marami pa kaming mga inisyatiba na naghihintay ngayong 2023! Gusto mo rin bang tumulong? Alamin dito kung paano magbigay ng donasyon sa Uganda Orthodox Church na nagpapatakbo nitong ampunan.