Inisponsoran ng XM ang Ika-5 GCC FMT Conference


Ipinaskil Nobyembre 8, 2023 ng 1:51 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ibalita na lubhang nagtagumpay ang ika-5 Gulf Cooperation Council (GCC) Financial Markets & Treasury Conference. XM ang pangunahing sponsor nitong tatlong araw na event na isinagawa sa Istanbul noong Setyembre 13–15.

Ang event na ito ay inorganisa ng UAE Financial Markets Association at isa ‘tong napakagandang oportunidad para sa mga propesyonal at institusyon na makipag-ugnayan at makibalita sa mga pinakabagong pangyayari sa industriya ng pananalapi, lalo na sa Gulf region.

Nagsisikap ang XM na maibigay sa traders nito ang pinakamagagandang oportunidad. Nagustuhan ng mga pumunta ang limang mabusising panel session, apat na technical training session, at napakasarap na hapunan sa pagtatapos ng conference, na inisponsoran ng inyong lingkod.

Nasasabik kami sa susunod na pagkakataong palawakin pa ang kaalaman sa pananalapi, at makilala ang ibang mga eksperto sa market.

Makikita mo dito ang mga nangyari sa event.