Nagpatayo ang XM ng Bagong Eskwelahan sa Uganda
Ipinaskil Nobyembre 2, 2017 ng 9:42 AM GMTNagpapatuloy ang kawanggawa ng XM na nagsimula ngayong taon para tulungan ang mga bata sa Saint Antonios of Monde Orphanage sa Wobulenzi, Uganda. Noong nakaraang linggo, ang mga kinatawan ng XM ay bumalik sa Wobulenzi para pasinayaan ang bagong eskwelahan na itinayo namin para sa mga lokal na bata. Ikinagagalak naming makabalik sa Uganda para makisalamuha sa lokal na komunidad at gunitain ang pagpapasinaya ng Aristotle school block na itinayo ng XM kasabay ng pagtulong ng mga lokal na mamamayan. [..]