Ngayong March: Mga Seminar sa Latin America tungkol sa Swing Trading

Ipinaskil Enero 31, 2018 ng 8:53 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong March, babalik ang XM sa Latin America, kung saan nais naming makita ang aming mga kliyente at salubungin ang mga bagong kliyente sa serye ng mga seminar tungkol sa mga teknik sa swing trading.

Ang seminar na pinamagatang Mga Teknik sa Avramis Swing Trading ay ipi-presenta ng Tradepedia sa magkakaibang siyudad sa Mexico at Colombia sa pagitan ng ika-3 at ika-24 ng March 2018. Ipapakita sa seminar ang paggamit ng mga teknik sa swing trading sa pamamagitan ng mga madadaling teknik na magagamit kapag nagti-trade ng forex at iba pang mga instrument.

Ang mga teknik na ipapaliwanag nang husto ay makakatulong sa mga online investors para maintindihan ang swing trading bilang isang paraan ng mabilisang pag-trade, pati na kung paano gumamit ng technical analysis para sa mahusay na resulta.

Kasama ng ilan sa mga pinakamahusay na technical analysis tools, gaya ng Fibonacci, ang mga dadalo sa event ay ipapakilala sa mga trading tools na ginawa ng Tradepedia trading academy (kabilang ang Avramis Swing Indicator at ng Avramis Trend Reversal Indicator), na parehong makakatulong sa mga traders na makilala ang mga bullish vs bearish trends, mahahalagang paggalaw sa presyo, at malaman kung kailan papasok o lalabas sa markets nang isinasaalang-alang ang wastong risk management.

Para sa lahat ng mga nagti-trade ng forex at iba pang financial instruments, ang seminar ay maraming maitutulong dahil sa pagiging praktikal at maaasahan nito.

Para magbasa pa tungkol sa paksa ng seminar at mag-rehistro na para sa lokasyon at petsa na iyong napili sa mga nalalapit na seminar sa magkakaibang lokasyon sa Mexico at Colombia, mangyaring mag-click dito.