Mga Seminar Ngayong Tag-init Nakumpleto sa Thailand

Ipinaskil Oktubre 3, 2018 ng 7:21 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Kamakailan lamang nakumpleto ng XM ang panibagong serye ng mga intensibong forex trading seminar sa Thailand, na nakarating sa mahigit-kumulang walong magkakaibang destinasyon mula noong June.

Ang tatlong huling seminar ay isinagawa sa Khon Kaen noong September 1, Ubon Ratchathani noong September 15 at Chiang Rai noong September 29, kung saan lahat ng mga dumalo ay nagkaroon ng oportunidad na matuto ng mahahalagang kaalaman mula sa isa sa pinaka-respetadong propesyonal na si Sompop Jittrakul.

Ang tinalakay na paksa sa seminar ay isang mahalagang parte ng online forex trading, ayan ay, ang paggamit ng technical indicators at charts, pati na ng mga technical analysis tools na inimbento ng Tradepedia trading academy.

Gamit ang mga madadaling sundan na gabay, tunay na halimbawa at iba’t-ibang eksena sa pag-trade, tinuruan ni Sompop Jittrakul ang mga bisita kung paano gamitin ang ilan sa mga pinakaimportanteng technical analysis tools na makakatulong sa traders para makita ang trend reversals at breakouts, at marami pang iba.

Dahil ang paggamit ng technical analysis ay praktikal lamang kung bahagi ito ng istratehiya ng bawat online investor, ipinaliwanag din ni Sompop Jittrakul sa mga bisita kung paano magsagawa ng istratehiya na naaayon sa kanilang indibidwal na estilo, layunin sa pag-trade at lebel ng pamamahala ng pera.

Para mapaliwanag kung paano tumatakbo ang teorya sa tunay na buhay, ipinakita ni Sompop Jittrakul sa mga bisita kung paano ginagamit ang dalawang technical analysis tools, ang Avramis Swing Indicator at ang Avramis Risk Management Indicator.

Sa kabila ng XM, nais naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa seminar at natutuwa kaming makilala sila sa bawat lokasyon.

Dahil ang aming mga libreng seminar ay magpapatuloy sa Thailand sa mga darating na buwan, iniimbitahan namin ang mga online traders na interesadong matuto ng forex sa aming mga nalalapit na seminar. Para sa karagdagang detalye mangyaring mag-click dito.