Magsisimula sa Pebrero 2019: Serye ng mga Libreng Forex Seminar sa Thailand

Ipinaskil Enero 3, 2019 ng 10:46 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang pagpapatotoo sa aming dedikasyon na palaging makapagbigay ng propesyonal na edukasyon sa forex sa magkakaibang kontinente, sa 2019 ipagpapatuloy namin ang aming mga seminar sa Timog-Silangang Asya, na bibisita sa Thailand sa Pebrero.

Nasasabik na ang kilalang tagapagturo sa forex na si Sompop Jittrakul, na nakapagsagawa na ng napakadaming presentasyon, kasama ng mga kinatawan ng XM, na makilala sa personal ang mga handang magkaroon ng mas malalim na kaalaman tungkol sa pamamaraan sa pag-invest online para sa mas mahusay na resulta.

Ang seminar na pinamagatang Ang Avramis Trend Reversal at mga Istratehiya sa Breakout ay isasagawa sa kabisera ng Thailand na Bangkok sa Pebrero 2, at pagkatapos sa Chiang Mai sa Pebrero 16, na susundan sa marami pang lokasyon. Sa parehong lokasyon, lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM ay magkakaroon ng oportunidad na makatanggap ng propesyonal na gabay sa kung paano magagamit ang mga tool sa technical analysis para sa mas mahusay na pag-trade. Maglalaan din ng atensyon sa kahalagahan ng trend breakouts at reversals.

Isang mahalagang parte ng presentasyon ni Sompop Jittrakul ang sariling tools ng Tradepedia, ayan ay ang istratehiya na Avramis breakout at Avramis trend reversal, na parehong batay sa paggamit ng Avramis Swing Advanced Indicator at ng Avramis Risk Management Indicator na idinisenyo para tukuyin ang trend at pamahalaan ang risk.

Para sa karagdagang detalye at sa maagang pag-rehistro sa seminar na gaganapin sa Bangkok at Chiang Mai, mangyaring mag-click dito. Inirerekomenda din namin na tumutok sa aming website, dahil marami pang lokasyon sa Thailand ang susunod.