Ngayong 2020: Mga Libreng Forex Seminar ng XM sa Pilipinas

Ipinaskil Disyembre 11, 2019 ng 1:55 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ibalita na simula Pebrero 2020, magsasagawa ng iba pang mga libreng forex seminar ang XM sa Pilipinas, na gaganapin sa magkakaibang lokasyon sa buong bansa, at may layuning ipalapit sa mga nag-i-invest online ang pagti-trade ng forex sa tulong ng propesyonal na edukasyon.

Nitong 2019 pa lang, nakapunta na ang XM sa mahigit 15 lokasyon sa Pilipinas para makapagbigay ng libreng edukasyon tungkol sa forex, at salamat sa dumadaming bilang ng nag-i-invest online, ang mga seminar namin na gaganapin ngayong 2020 ay makakarating sa mas marami pang nagti-trade.

Ang mga mauunang lokasyon na bibisitahin namin sa pagitan ng Pebrero 1 at Marso 14 ay ang Manila, Palawan, General Santos City at Baguio. Para sa mga nag-i-invest online, baguhan man sila sa pagti-trade o batikan na sa larangang ito, layunin ng mga seminar namin na makapagbigay ng propesyonal na gabay para mapakinabangan ang technical analysis pagdating sa pagsusuri sa lakas ng trend sa market at kalidad ng trend, pagdedesisyon kung saang pinansyal na instrument mag-i-invest at kailan, pati na pagpapasya kung kailan papasok o lalabas sa market nang may mababang risk.

Para magbasa pa tungkol sa mga detalye ng seminar at makapag-reserba na ng libreng puwesto, mangyaring mag-click dito.