Pinarangalan ng Shares Magazine ang XM bilang may Pinakamahusay na Forex Customer Service

Ipinaskil Oktubre 12, 2018 ng 10:22 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ipinagmamalaki naming ianunsyo na binoto ng mga mambabasa ng Shares Magazine ang XM bilang broker na may Pinakamahusay na Customer Service ngayong taon.

Ang opisyal na pagdiriwang ng kilalang 2018 UK Forex Awards ng Shares Magazine ay isinagawa sa The Steel Yard sa London, UK, noong September 26, kung saan nanalo ang XM bilang may Pinakamahusay na Forex Customer Service para sa mataas na pamantayan nito sa paglilingkod sa mga kliyente.

”Ikinalulugod naming maparangalan ng Shares Magazine,” saad ni Chris A. Zacharia, ang Marketing Director ng XM Group. “Mula noong simula, pinapatupad na ng XM ang matibay na pamantayan nito sa pagsisilbi sa mga kliyente, para matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-invest nang isinasaalang-alang ang iba’t-ibang kultura. Sumasalamin ang prestihiyosong parangal na natanggap namin mula sa Shares Magazine sa walang pinapanigang opinyon ng publiko na bumoto sa XM. Hindi lamang nito pinapatibay ang aming patuloy na pagsisikap para manatiling tapat sa aming mga kliyente, ngunit pinapalakas din nito ang aming pangako na propesyonal silang pagsilbihan, makipag-ugnayan sa personal na pamamaraan, at gawin lahat ng aming makakaya para matugunan ang kanilang layunin sa pag-invest. Naniniwala kami na ang aming mga produkto ay katuwang ng pakikipag-ugnayan sa bawat kliyente at paninigurado ng positibong karanasan na hindi lamang patuloy na pinapantayan ngunit linalampasan din ang kanilang mga inaasahan”.

Ang Shares Magazine ay nangungunang pangpinansyal na magazine sa UK na tumatalakay sa lahat ng aspeto ng pag-invest, kabilang na ang mga balita tungkol sa United Kingdom at stock markets sa buong mundo, mga pamamaraan sa pag-invest, asset management, at pag-analisa sa market. Ang layunin ng Shares Awards ay para kilalanin ang mga broker para sa kanilang mataas na kalidad ng serbisyo at produkto na ibinibigay sa sektor ng retail investment.