Seminar sa Melaka Tungkol sa mga Istratehiya sa Pag-invest

Ipinaskil Mayo 15, 2018 ng 8:08 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang intensibong serye ng mga forex trading seminar na sinimulan ng XM sa magkakaibang siyudad sa Malaysia ngayong March ay nakarating na sa panghuling destinasyon nito noong May 12: ang Melaka.

Ikinatutuwa naming salubungin ang lahat ng mga dumalo sa seminar na isinagawa sa Swiss Garden Hotel, kung saan nagbigay ang instruktor na si Zulle Razak ng isa na namang mahusay na presentasyon tungkol sa paggamit ng mga epektibong teknik at istratehiya na magagamit sa online forex trading.

Ang seminar ay naglahad ng mga pangunahing hakbang para maging matagumpay sa online trading sa pamamagitan ng pag-intindi kung paano tumatakbo ang global markets at pag-intindi ng mga macroeconomic na aspeto na nakakaapekto sa galaw ng market; sa pamamagitan ng paggamit ng technical at fundamental analysis tools para bigyang-kahulugan ang market trends; sa pamamagitan ng pag-aaral sa kung paano pagsama-samahin ang iba’t-ibang mga teknik at magsagawa ng indibidwal na istratehiya sa pag-trade na gumagana; at higit sa lahat, mga paraan para maglapat ng risk management.

Ang mga tunay na halimbawa na ipinakita ni Zulle Razak ay may layuning tulungan ang mga dumalo sa seminar na maintindihan ang praktikal na paggamit ng mga teknik na kanyang ipinaliwanag. Higit pa, naglaan din siya ng oras sa pagpapaliwanag kung bakit napakahalaga ng trading psychology sa online investing at kung bakit ito dapat seryosohin, anuman ang instrument na napiling i-invest.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente na sumali sa aming seminar sa Melaka, at iniimbitahan namin ang mga trader sa susunod na seminar na gaganapin sa Terengganu sa July 21.

Para sa karagdagang detalye at mag-rehistro na sa seminar sa Terengganu, mangyaring mag-click dito.