Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Nitong mga nakaraang taon, patuloy na nagtrabaho ang XM sa iba’t-ibang parte ng mundo para ipagpatuloy ang corporate social responsibility nito. Ang pinakabago sa mga ito ay isinagawa sa Indonesia, kung saan kritikal ang pag-protekta sa kalikasan.
Saanmang parte ng mundo tayo nakatira, ang kalikasan ay may direktang epekto sa ating buhay. Sa XM hindi lang namin ito batid, ngunit gumagawa din kami ng aksyon para protektahan at makatulong sa kalikasan.
Kamakailan lamang, marami sa mga miyembro ng XM ang sumali para tulungang ibalik ang ilan sa mga mangrove forest ecosystem sa Marunda, isang maliit na bayan sa North Jakarta, Indonesia. Higit 1,000 na binhi ng mangrove ang binigay ng XM sa lokal na komunidad sa Marunda.
Sa panahon ngayon, humigit-kumulang 80% ng mga mangrove forest sa Indonesia ang nasira na. Sa kalikasan, ito ay isang malaking panganib sa biodiversity at pati na sa mga lokal na komunidad na umaasa sa kita ng mangrove forests. Para maka-ambag sa buhay at kapakanan ng mga taga-Marunda, nakipag-ugnayan kami sa mga lokal na mamamayan para ibalik ang kalapit na mangrove forest sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga binhi nang sabay-sabay.
Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno para sa kinabukasan, naniniwala kami na ang aming pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan sa Marunda ay makakatulong sa pagpapabuti ng kanilang buhay.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.