Pag-paddle para sa Buhay, Pag-paddle para sa mga Bata

Ipinaskil Agosto 31, 2016 ng 7:28 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Sunday, ika-28 ng August, ligtas na nakarating si Costas Symeonides matapos ang matagumpay na ultra SUP marathon mula sa dalampasigan ng Crete hanggang sa dalampasigan ng Limassol na tumawid ng Mediterranean Sea, at sumakop sa pangkabuuang layo na 700KM para makapagtipon ng pondo para sa Center of Preventive Pediatrics.

XM ang pangunahing sponsor nitong ultra SUP marathon, kaya naman natulungan namin si Costas sa kanyang layon, kung saan nangailangan ng mga supportive boats na may 5 tao para tulungan siya sa 10-araw na pag-paddle. Ang kanyang layunin ay para makasakop ng 70 km na distansya araw-araw sa loob ng 10 araw para makarating sa dalampasigan ng Limassol sa nakatakdang petsa.

Sa pakikipag-usap sa press noong charitable event pagkatapos ng kanyang pagdating, sinabi niya na nasisiyahan siya sa resulta at handa na siyang magpahinga matapos ang mahirap na biyahe. Idinagdag din niya na sa tingin niya tatagal ng 3-4 na linggo bago mawala ang sakit na nararamdaman niya sa kamay at para makabalik sa normal na gawain.

Sinalubong ng XM team, kasabay ng mga sports fans at media representatives, si Costas sa dalampasigan noong 18:30 GMT +2. Sa huling leg ng kanyang ultra marathon sinamahan si Costas ng kanyang anak at mga fans, na nag-paddle kasama niya papunta sa dalampasigan.

Nais namin ulit batiin si Costas para sa kanyang pagsisikap at hinihiling namin sa kanya ang mabuting pagpapahinga.

Sa ibaba makikita mo ang ilan sa mga litratong kinuha habang at pagkatapos ng kanyang paglalakbay.

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20