Ang aming Forex Guru ay sumali sa Thomson Reuters sa Dubai

Ipinaskil Hunyo 4, 2014 ng 6:26 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Si Avramis Despotis, ang Founder at Chief Instructor ng Tradepedia, ay matagal nang kinukuha ng XM upang eksklusibong isagawa ang lahat ng aming webinar at seminar na ginagawa sa buong mundo. Ang pinakabago ay ang pagsama sa aming CEO na si Costas Cleanthous sa pag- tour sa buong rehiyon ng MENA, sa kasalukuyan ay nakabisita na sila ng siyam na bansa kung saan siya ay nagsagawa ng ispesyal na presentasyon sa bawat lugar.

Ang kaniyang karera ay ilang taon nang tumatakbo at sa panahong iyon ay nakilala siya sa kaniyang reputasyon bilang eksperto at karismatiko kaya siya ay laging tinatawagan ng mga bigating pangalan para sa kaniyang serbisyo.

Dahil dito, ang kaniyang kagalingan ay muling kinakailangan, Ngayon ay Thomson Reuters naman ang nag-imbita sa kaniya sa AFE Equity Summit 2014 bilang isang panelist sa inaabangang live debate sa Fundamental vs. Technical Analysis.

Ang Thompson Reuters ay isang multinasyonal na media firm na tumatakbo sa mahigit 100 na bansa at ito ay kinikilala sa kaledad ng financial at business news at mga impormasyon na kaniyang ibinibigay. Dahil dito, isang malaking karangalan para kay ginoong Despotis na personal na mapili at maimbitang sumali sa high profile na event. Kami ay nasasabik na sa debate dahil kami ay siguradong si ginoong Despotis ay ipapamalas muli kung bakit siya ang kinikilala sa industriya bilang Forex Guru.

Ang debate ay gaganapin sa ika- 5 ng June sa Ritz Carlton, DIFC, sa Dubai. Upang mag-rehistro at sumali sa amin, mag-click dito.