Susunod na Destinasyon ng Seminar sa Malaysia: Kuching at Kuantan

Ipinaskil Agosto 28, 2018 ng 7:27 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa October, pupuntahan ng XM ang panghuling dalawang destinasyon nito sa serye ng mga seminar na inumpisahan sa Malaysia ngayong July: ang Kuching at Kuantan.

Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya, kasabay ng propesyonal na instruktor na si Zulle Razak, na makilala ang mga trader sa seminar na pinamagtang Mga Istratehiya sa Online Trading sa Kuching sa October 13, at matapos nito sa Kuantan sa October 27.

Idinisenyo para sa mga online investors na interesadong gumaling sa pag-trade ng forex at iba pang financial instruments, ang seminar ay maglalahad ng mga praktikal na impormasyon tungkol sa serye ng mga mahahalagang detalye.

Sa lahat ng mga dadalo sa event, ipapaliwanag nang husto ni Zulle Razak kung paano tumatakbo ang global markets, kung anong mga aspeto ang nakakaapekto sa paggalaw ng market, kung paano suriin ang trend at price action kasabay ng technical analysis, at kung bakit importante ang pagsasaalang-alang sa trading psychology at risk management.

Higit pa dito, may sapat na oras na ilalaan para sa confluence techniques sa trading, pati na kung paano gamitin ang mga teknik na ito nang binibigyang tuon ang indibidwal na layunin ng mga trader at kanilang estilo sa pag-trade.

Para sa mga online investor na pupunta sa event, ang seminar ay isang karanasan na makakatulong dahil magbibigay si Zulle Razak ng malinaw na pagpapaliwanag at mga tunay na halimbawa para ipakita kung paano tumatakbo sa tunay na buhay ang mga detalyeng itinalakay.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa seminar, at para mag-rehistro na nang libre para sa siyudad at petsa na iyong napili, mag-click dito.