Susunod na Destinasyon ng mga Forex Seminar sa Thailand: Bangkok at Chiang Mai

Ipinaskil Mayo 20, 2019 ng 9:00 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa mga susunod na buwan, ipagpapatuloy ng XM ang mga forex seminar nito sa buong Thailand, para matugunan ang pangangailangan at interes ng mga pursigidong matuto ng malawak na kaalaman tungkol sa pag-trade online.

Ang mga susunod na lokasyon ng seminar na pupuntahan ng aming pangkat at ng propesyonal na tagapagturo at tagapagsalita na si Sompop Jittrakul, ay ang Bangkok sa Hulyo 13 at Chiang Mai sa Hulyo 27.

Sa bawat seminar, tatalakayin ni Sompop Jittrakul ang tamang paggamit ng technical indicators. Ipapakita din niya kung paano makakapagbigay ang mga indicator tulad ng Ichimoku Kinko Hyo o Avramis River ng panibagong pananaw sa pag-unawa at pagbibigay-kahulugan sa mga pattern ng presyo sa market.

Ang pang-umaga at panghapong seminar ay maglalaan ng sapat na oras para lubos na maintindihan ng mga bisita kung paano tukuyin ang buy at sell na signal sa mga chart, pagsamahin ang Ichimoku at Avramis River, malaman ang mga instrument na malakas at mahinang mag-trend, at madaling makita ang lebel ng support-resistance.

Ang seminar ay bukas at libre para sa lahat ng aming mga kasalukuyan at bagong kliyente, at hinihintay na nito ang mga gustong matuto mula sa pinakamagagaling.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye at makapag-rehistro na sa seminar.