Susunod na Destinasyon ng Forex Seminar: Jordan

Ipinaskil Marso 14, 2019 ng 8:53 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Abril 13, babalik na naman ang mga kinatawan ng aming kumpanya, kasabay ng Senior Market Strategist ng Tradepedia na si Habib Akiki, sa kapital ng Jordan, sa Amman, para sa panibagong libreng forex trading seminar. Ito ay para sa mga nag-i-invest online na interesado sa pagpapabuti ng kanilang kaalaman sa pag-trade, sa tulong ng pang-edukasyonal na programa ng XM.

Sa lahat ng aming mga kasalukuyan at bagong kliyente na nasasabik matuto ng mahalagang impormasyon tungkol sa paggamit ng technical indicators at Japanese candlesticks, at gustong makilala sa personal ang XM, ang nalalapit na seminar sa Amman ay ang pinakamagandang oportunidad para dito.

Gaganapin sa Grand Millennium Hotel, tatalakayin sa seminar ang serye ng mga importanteng detalye tungkol sa paksang pinamagatang Pagpapakilala sa Avramis River at Reversal Candles. Maraming mahalagang katanungan ang sasagutin ni Habib Akiki, na may layuning ipakilala sa mga bisita ang paggamit ng Avramis River indicator at Japanese candlesticks. Parehas itong mapapakinabangan para malaman ang lakas ng trend, matukoy ang lebel ng support-resistance, at maintindihan kung kailan papasok o lalabas ng market kapag nagti-trade ng magkakaibang pinansyal na instrument.

Mangyaring magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na seminar at mag-rehistro na para makapunta nang libre dito.