Ibang mga Seminar ng XM sa Forex Isasagawa sa Latin America sa 2019

Ipinaskil Disyembre 27, 2018 ng 8:47 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ipaalam sa aming mga kasalukuyan at prospektibong kliyente na marami pang mga seminar tungkol sa pag-trade ng forex ang isasagawa sa buong Latin America sa loob lang ng ilang linggo, at bukas ito para sa lahat ng mga gustong magkaroon ng matatag na kaalaman sa pag-trade para sa mahusay na resulta.

Ang bagong serye ng mga pang-edukasyonal na seminar, na libre para sa lahat ng kliyente ng XM, ay magsisimula Bogotá, Colombia, sa Pebrero 9, at makakarating sa Lima, Peru, sa Pebrero 16, at susundan sa marami pang destinasyon sa buong Latin America.

Sa bawat lokasyon, ang tagapagsalita sa seminar ay ang kilalang tagapagturo ng Tradepedia na si Jarek Duque, na magbibigay ng presentasyon tungkol sa dalawang mahalagang paksa: sa Bogotá ang paksang pinamagatang Ichimoku Kinko Hyo – Pangkalahatang Indicator para sa Forex, habang sa Lima ang paksang pinamagatang Mga Indicator na Avramis Swing at Pag-reverse ng Trend.

Para sa mga nag-iinvest online na nais makakuha ng matagalang kaalaman, at higit sa lahat maintindihan ang paggamit ng pamamaraan sa pag-trade sa swing trading, ang parehong seminar ay makakapagbigay ng mga mahuhusay na istratehiya na mapapakinabangan. Bukod pa sa pinakamahahalagang paraan sa pag-trade na kailangang malaman ng bawat trader na dedikadong pabutihin ang kanilang kasanayan sa pag-trade, ang presentasyon ni Jarek Duque ay magpapakita sa pag-ensayo sa halip na teorya, kaya naman mas makakapagbigay ito ng mahalagang impormasyon sa kung paano magtagumpay sa pag-trade ng forex.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga seminar at para makapag-rehistro na sa petsa at lokasyon na iyong napili, mangyaring mag-click dito.