Bagong Serye ng mga Forex Trading Seminars Magsisimula sa Thailand

Ipinaskil Abril 20, 2017 ng 9:00 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Mula ika-3 ng June 2017, magho-host ang XM ng mahabang serye ng forex trading seminars sa Thailand, na may nalalapit na events sa Bangkok, Chiang Mai, Khon Kaen, Pitsanulok, Chonburi, Hat Yai, Korat, at Ubon Rachadani. Tulad ng iba pa naming pang-edukasyonal na events, libre ang pagdalo para sa lahat ng kliyente ng XM.

Ang unang seminar sa serye ng mga pang-edukasyonal na event ay gaganapin sa Bangkok sa ika-3 ng June, kung saan magkakaroon na naman ng pagkakataon ang mga dadalo para makinig sa presentasyon ng mga forex instruktor na sina Mario Pashardes at Sompop Jittrakul.

Ang seminar na pinamagatang Pag-trade gamit ang Ichimoku Kinko Hyo at ng Avramis River ay magtatalakay sa iba’t-ibang mahahalagang paksa na makakatulong sa mga dadalo para magkaroon ng mas malinaw na pagkakaintindi sa technical analysis, kabilang na ang paggamit ng indicators para malaman ang market trending at price movements. Sa pang-umaga at panghapong sesyon ng event, lahat ng mga dadalo ay matututo ng praktikal na paggamit ng kurikulum, at dahil sa interaktibong seminar na ito, ang mga dadalo ay magkakaroon ng pagkakataong makapagtanong sa dalawang presenters tungkol sa forex trading.

Ang mga kinatawan ng aming kumpanya na dadalo sa event ay nais nang salubungin lahat ng mga bisita sa Bangkok sa ika-3 ng June at para magkaroon ng di malilimutang event tungkol sa forex trading na tiyak ay punong-puno ng impormasyon.

Mag-click dito para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa Bangkok seminar at makapag-rehistro na. Ang tiyak na petsa at lokasyon ng mga nalalapit na seminar sa Chiang Mai, Khon Kaen, Pitsanulok, Chonburi, Hat Yai, Korat, at Ubon Rachadani ay makikita din sa pahinang ito.