Misyon sa Nepal: Matagumpay na Nakumpleto

Ipinaskil Hunyo 15, 2017 ng 9:16 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang XM, kasabay ng NGO Rhea Foundation, ay nagkaroon ng planong bumiyahe sa buong Nepal sa mga lugar kung saan hindi nakakarating ang mga normal na kotse para magpamigay ng sapatos, kadamitan at gamot sa mga bata, monasteryo at taong nangangailangan matapos ang nakapaminsalang lindol noong April 2015, kung saan may mahigit 8,000 ang namatay at libu-libong tao ang nawalan ng tirahan.

Ang biyaheng ito ay nangailangan ng walang katapusang pagplano at lakas ng loob dahil nangangailangan ito ng mga espesyal na off-road motorbikes kung saan, sa maraming pagkakataon, hindi posible ang suporta mula sa mga kotse.

Ang misyong ito ay nagtagumpay at ang miyembro ng Rhea Foundation, na tumugon sa responsibilidad na bumiyahe sa buong Nepal para maghatid ng mga kagamitan, ay ligtas nang nakabalik.

Ang Itinerary

Ang biyahe ay nagsimula noong ika-19 ng April 2017 at dinala kami sa mga sumusunod na destinasyon:

    • 19.04 – Kathmandu – Ang mga batang monghe ay nakatanggap ng sapatos, regalo at mga pangangailangan.
    • 27.04 – Pharphing Valley & Lumbini – Ang mga batang monghe ng Tibetan Theravada Buddhist monastery (The Karma Samteling Monastery) ay nakatanggap ng mga sapatos, damit at regalo bilang bahagi ng aming misyong magdulot ng kasiyahan sa mga kabataan sa Nepal.
    • 08.05 – Chitwan & Chitwan National Park – 35 abandonadong mga bata ay nakatanggap ng sapatos, kadamitan at donasyon sa ‘Shrijanshil Children Protection Center’ sa Bachauli village ng Chitwan, pati na ng pondo na ibinigay sa lokal na animal sanctuary.
    • 20.05 – Tatopani – Ang lokal na komunidad at mga manggagawa ay nakatanggap ng donasyon pati na din ng hindi inaasahang pagbisita para magbigay ng medisina sa mga kabataan sa Neydo Choling Monastery.
    • 23.05 – Boudhanath Stupa & Kathmandu – Nagbigay ng donasyon sa dalawang rehabilitation centers (isa para sa mga batang lalaki, isa para sa mga batang babae).

Sa ibaba makikita mo ang mga litratong kinuha sa tour.