Matutong Mag-trade sa XM – Nalalapit na mga Libreng Seminar sa Mexico

Ipinaskil Marso 4, 2019 ng 1:35 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos isagawa ang mga seminar ngayong taon sa limang magkakaibang siyudad sa Mexico sa loob lamang ng maikling panahon, magpapatuloy pa ang XM sa iba pang mga lokasyon sa Mexico ngayong Mayo at Hunyo, para maabot ang mga trader na naniniwala sa kapangyarihan ng edukasyon para sa mas matagumpay na pag-invest online.

Sa pagitan ng Mayo 18 at Hunyo 9, pupunta sa Hermosillo, Oaxaca, Mexico City at Mérida ang mga dedikadong empleyado ng aming kumpanya kasabay ng Punong Tagapagturo sa Mexico na si Karl Praz. Nasasabik na silang salubungin ang mga bisita sa aming mga pang-edukasyonal na seminar, para makilala ang mga gaya namin na naniniwala din sa kakayahan ng kaalaman.

Ang aming mga seminar ay magtatampok ng dalawang magkaibang paksa na may kinalaman sa mga pamamaraan sa technical analysis na parehong importante sa pag-trade online, ayan ay, ang paggamit ng moving averages at paggamit ng ADX indicator.

Sa bawat lungsod, ang presentasyon ni Karl Praz ay may layuning magturo ng mga tiyak na kagamitan sa technical analysis, na ginagamit para matukoy ang mga oportunidad sa trend ng presyo ng magkakaibang pinansyal na instrument, kasabay ng mga mahusay na istratehiya sa pamamahala ng risk. Lahat ng mga detalye ay ipapakita din gamit ang mga halimbawang madaling intindihin, na idinisenyo para bigyan ang mga trader ng praktikal na gabay sa mga pangunahing aspeto sa pag-trade ng forex.

Para sa mas detalyadong pagpapaliwanag ng bawat paksa ng seminar at para makapag-rehistro nang libre sa seminar na pinakamalapit sa iyong lokasyon, mangyaring mag-click dito.