Tinangkilik ang Pinakabagong Seminar ng XM sa Malaysia

Ipinaskil Agosto 6, 2018 ng 8:13 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Hulyo 14, sinalubong ng XM ang mga online investors sa Malaysia para sa isa na namang malaking seminar na isinagawa sa Kuala Lumpur.

Ang seminar na pinamagatang Paano Gumawa ng Sariling Sistema sa Pag-trade ay dinaluhan ng napakaraming traders na pumiling makatanggap ng mahusay na edukasyon mula sa XM. Ang pagiging propesyonal at estilo ng pagtuturo ni Zulle Razak ang nakakuha sa atensyon ng mga bisita, na nagkaroon ng oportunidad na matuto ng mga pinakamahahalagang aspeto para magtagumpay sa online trading.

Ang presentasyon ni Zulle Razak ay naglaman ng serye ng mga detalye na may kinalaman sa pag-trade at kung paano makakagawa ang mga investors ng pangmahabaan na istratehiya para makamit ang mas magandang resulta.

Ang mga dumalo sa seminar ay nagkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi sa mga pinakamainam na technical at fundamental analysis tools na dinisenyo para tulungan ang traders na tukuyin ang lakas ng trend at paggalaw ng presyo, pati na magdesisyon sa laki ng position at malaman kung kalian papasok o lalabas sa trades sa pamamagitan ng paglapat ng tamang pamamaraan sa risk management.

Matapos ang seminar, nagsagawa ng Lucky Draw kung saan ini-raffle ang mga maswerteng nanalo, at binabati namin silang muli sa kanilang mga napanalunan.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: 2145112 Huawei P20 Phone
Premyo 2: 2547852 Huawei P20 Phone
Premyo 3: 34035676 Huawei P20 Phone
Premyo 4: 32122101 Huawei P20 Phone
Premyo 5: 32111715 Huawei P20 Phone

Pinasasalamatan namin lahat ng mga dumalo sa aming seminar at inaasahan namin na ang mga kaalaman na naipamahagi ni Zulle Razak ay lubos nilang mapapakinabangan sa pag-trade.

Ang aming mga libreng forex trading seminar ay magpapatuloy pa sa magkakaibang lokasyon sa Malaysia, kaya naman iniimbitahan namin ang mga baguhan at batikang traders na interesado pang matuto ng mga mahahalagang pamamaraan sa pag-trade.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa aming mga nalalapit na seminar mangyaring mag-click dito.