Pinakabagong CFD Trading Seminar Isinagawa sa Thailand

Ipinaskil Marso 28, 2018 ng 8:55 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong March, nagsimula ang XM ng panibagong serye ng mga trading seminar sa Thailand, kung saan ang unang dalawang lokasyon dito ay ang Phitsanulok noong March 17 at Hat Yai noong March 24.

Sa parehong siyudad, nag-presenta ang forex instruktor na si Sompop Jittrakul ng seminar tungkol sa paksang pinamagatang Ang Moving Average Ribbon Technique, na may espesyal na pagtuon sa kung paano magagamit ang technical analysis technique na ito kapag nagti-trade ng iba’t-ibang financial instruments sa anyo ng CFDs (Contracts for Difference).

Ang layunin ng seminar ay para bigyan ang mga dumalo ng praktikal na gabay sa kung paano magagamit ang Moving Average Ribbon sa pagtukoy ng pabago-bagong market trends. Idiniin ni Sompop Jittrakul kung bakit mahalaga ang Moving Averages sa pag-analisa sa market at kung paano magagamit ang serye ng mga Moving Averages para tulungan ang mga traders na makita ang mga maikli, katamtaman at pangmatagalang trends.

Ang mga detalye na ipinaliwanag ay ipinakita din ni Sompo Jittrakul sa pamamagitan ng mga tunay na halimbawa, na siyang nakatulong para magkaroon ang mga dumalo ng malinaw na imahe sa kung paano tumatakbo ang Moving Average Ribbon Technique kapag nagti-trade ng CFDs (gaya ng stocks, indices, metals at energies) sa MT5 platform ng XM. Kaya naman naintindihan ng mga dumalo ang bentahe ng Moving Average Ribbons sa pagsasagawa ng buy at sell signals at pagde-desisyon kung kailan papasok o lalabas ng markets.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa aming mga pang-edukasyonal na event sa Phitsanulok at Hat Yai, at ikinagagalak naming ipaalam sa aming mga kliyente na ang aming mga seminar ay magpapatuloy sa iba pang mga siyudad gaya ng Chonburi, Korat, Khon Kaen, Ubon Ratchathani at Chiang Rai.

Nais na naming makilala ang online investors sa aming mga nalalapit na seminar. Para tingnan ang paksa ng seminar, mga lokasyon at petsa, at para makapag-rehistro na sa event na iyong napili, mangyaring mag-click dito.