Serye ng mga CFD Trading Seminar Isasagawa sa Thailand

Ipinaskil Pebrero 16, 2018 ng 8:17 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang intensibong serye ng mga forex at CFD trading seminar na isinagawa ng XM sa iba’t-ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ilang taon na ang nakakaraan ay patuloy pa din na lumalago, at nagbibigay ng mga pang-edukasyonal na events sa napakaraming online investors na nais matuto ng bagong kaalaman o palalimin ang kanilang kasanayan gamit ang praktikal na impormasyon.

Simula 17 March, ang bagong pang-edukasyonal na serye ay sisimulan sa Thailand, kung saan bibisitahin namin ang mga traders sa iba’t-ibang siyudad, kasama ang seminar na dedikado sa pag-trade ng CFD at paggamit ng mga teknik sa technical analysis na hindi lamang simpleng intindihin, ngunit epektibo din kapag pinagsasama sa indibidwal na istratehiya ng bawat trader.

Sa bawat lokasyon, ang tanyag na propesyonal na instruktor na si Sompop Jittrakul ang mangunguna sa seminar. Katulad ng bawat seminar na isinagawa noon, tutuon siya sa pagiging malinaw at praktikal nito dahil ito ang mga pangunahing layunin ng bawat pang-edukasyonal na materyales, para man ito sa baguhan o batikang trader.

Ang paksang pinamagatang Ang Moving Average Ribbon Technique ay sasalubong sa maraming online investors na nais matuto ng mga epektibong technical analysis tools na makakatulong sa kanilang tukuyin ang pabago-bagong trend sa market. Parehong praktikal para sa forex at CFD trading, ang teknik na ito ay ipapakita ni Sompop Jittrakul gamit ang mga tunay na halimbawa, na siyang may layunin na palawakin ang kamalayan ng mga traders sa mga pinakasimpleng paraan para sundan ang trends at magsagawa ng desisyon sa pag-entry o pag-exit ng market base dito.

Mag-click dito para magbasa pa tungkol sa paksa ng seminar at para mag-book na ng upuan sa siyudad at petsa na iyong napili. Nais na namin kayong makilala nang personal.