Importanteng Notipikasyon – UK General Election

Ipinaskil Hunyo 6, 2017 ng 7:17 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nais naming ipaalam sa iyo na ang nalalapit na UK General Election, na isasagawa sa ika-8 ng June 2017, ay maaaring mag-resulta sa matinding pagbabago sa market, maliit na market liquidity, hindi normal na spreads at price gaps sa maraming currency, commodity at stock markets sa buong mundo.

Dahil sa eleksyon, at para protektahan ang aming mga kliyente at ang aming Kumpanya mula sa inaasahang pagkakagulo sa market sa eleksyon, ipapatupad ng XM ang mga sumusunod na pansamantalang patakaran:

Mula 18:00 p.m. server time (GMT+3) sa Thursday, ika-8 ng June 2017, ang kinakailangang margin para sa lahat ng positions (para sa pag-open ng bagong positions at pagpapanatili ng kasalukuyang positions) ay pansamantalang itataas para sa lahat ng instruments:

  • 1% (100:1 leverage) para sa lahat ng GBP currency pairs at
  • 2% (50:1 leverage) para sa lahat ng CFDs sa Equity Indices.

Ang pansamantalang patakaran na ito ay hindi na ipapatupad para sa lahat ng positions at ang kinakailangang margin ay ibabalik sa normal (ayon sa normal na account leverage settings ng kliyente) pag dating ng Friday ika-9 ng June 2017, ilang sandali matapos ianunsyo ang resulta ng UK General Election.

Dapat siguruhin ng mga kliyente na nais magpanatili ng open positions sa nalalapit na UK General Election na ang kanilang mga accounts ay sapat na napondohan para maiwasan ang anumang pagkaabala mula sa posibleng margin calls at/o stop-outs sa kanilang pag-trade.