Importanteng Notipikasyon – Pangkalahatang Eleksyon sa Turkey

Ipinaskil Hunyo 19, 2018 ng 6:00 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nais naming ipaalam sa aming mga kliyente na ang nalalapit na Pangkalahatang Eleksyon sa Turkey, na gaganapin sa June 24, 2018, ay maaaring mag-resulta sa matinding pagbabago sa market, manipis na market liquidity, hindi normal na spreads at price gaps sa maraming currency, commodity at stock markets sa buong mundo.

Dahil sa eleksyon, at para protektahan ang mga kliyente at ang aming Kumpanya mula sa inaasahang pagkakagulo sa market itong eleksyon, ipapatupad ng XM ang mga sumusunod na pansamantalang patakaran:

Mula 18:00 p.m. server time (GMT+3) sa Biyernes, June 22, 2018, ang kailangang margin para sa lahat ng positions (para sa pagbubukas ng bagong positions at pagpapanatili ng kasalukuyang positions) ay pansamantalang itataas para sa lahat ng instruments papuntang:

  • 1% (100:1 leverage) para sa USDTRY at EURTRY currency pairs.

Ang pansamantalang patakarang ito ay hindi na ipapatupad para sa lahat ng positions, at ang kailangang margin ay ibabalik sa dati (ayon sa normal na account leverage settings ng kliyente) pag dating ng Lunes, June 25, 2018, ilang sandali matapos ianunsyo ang resulta ng Pangkalahatang Eleksyon sa Turkey.

Kailangang siguruhin ng mga kliyenteng nais magpanatili ng open positions sa nalalapit na Pangkalahatang Eleksyon sa Turkey na ang kanilang account ay sapat na napondohan para maiwasan ang anumang pagkagambala mula sa posibleng margin calls at/o stop-outs sa kanilang pag-trade.

strong>Tandaan: Mangyaring siguruhin na mayroon kang pinakabagong XM MT4/MT5 client terminal para makita ang tamang kailangang margin.