Importanteng Notipikasyon tungkol sa Pangkalahatang Eleksyon sa Sweden

Ipinaskil Setyembre 5, 2018 ng 6:00 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nais naming ipaalam sa aming mga kliyente na ang nalalapit na Pangkalahatang Eleksyon sa Sweden, na gaganapin sa September 9, 2018, ang maaaring mag-resulta sa matinding pagbabago sa market, manipis na liquidity, hindi normal na spreads at price gaps sa maraming currency, commodity at stock markets sa buong mundo.

Dahil sa naturang eleksyon at para protektahan ang aming mga kliyente at ang Kumpanya mula sa inaasahang pagkagambala sa market sa panahon ng halalan, ipapatupad ng XM ang mga sumusunod na pansamantalang patakaran:

Mula 18:00 p.m. server time (GMT+3) sa Biyernes, September 7, 2018, ang kinakailangang margin para sa lahat ng positions (sa pagbubukas ng bagong position at pagpapanatili ng kasalukuyang position) ay pansamantalang itataas para sa lahat ng instruments papuntang:

  • 1% (100:1 leverage) para sa lahat ng SEK currency pairs

Ang pansamantalang patakaran na ito ay hindi na ipapatupad para sa lahat ng positions at ang kinakailangang margin ay ibabalik sa dati (ayon sa normal na leverage settings sa bawat account ng kliyente) pag dating ng Lunes, September 10, 2018, ilang sandali matapos ianunsyo ang resulta ng Pangkalahatang Eleksyon sa Sweden.

Ang mga kliyenteng nais magpanatili ng open positions habang isinasagawa ang nalalapit na Pangkalahatang Eleksyon sa Sweden, ay dapat siguruhin na ang kanilang mga trading account ay sapat na napondohan para maiwasan ang anumang pagkaabala mula sa posibleng margin calls at/o stop-outs sa kanilang pag-trade.

Tandaan: Para makita ang tamang kinakailangang margin, mangyaring siguruhin na mayroon kang pinakabagong XM MT4/MT5 Client Terminal.