Importanteng Notipikasyon – Eleksyon sa Japan

Ipinaskil Oktubre 16, 2017 ng 6:30 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nais naming ipaalam sa aming mga kliyente na ang nalalapit na Eleksyon sa Japan, na isasagawa sa ika-22 ng October 2017, ay maaaring magdulot ng matinding pagbabago sa market, manipis na market liquidity, hindi normal na spreads at price gaps sa maraming currency, commodity at stock markets sa buong mundo.

Dahil sa eleksyon, at para protektahan ang aming mga kliyente at ang kumpanya mula sa inaasahang pagkakagulo sa market, ipapatupad ng XM ang mga sumusunod na pansamantalang patakaran:

Mula 20:00 p.m. server time (GMT+3) sa Friday, ika-20 ng October 2017, ang kinakailangang margin para sa lahat ng mga position (para sa pagbubukas ng mga bagong position at pagpapanatili ng mga kasalukuyang position) ay pansamantalang itataas para sa lahat ng instruments papuntang:

  • 1% (100:1 leverage) para sa lahat ng JPY currency pairs, GOLD at SILVER
  • 2% (50:1 leverage) para sa JP225 at JP225Cash

Ang pansalamantalang patakaran na ito ay hindi na ipapatupad para sa lahat ng mga position at ang kinakailangang margin ay ibabalik sa normal (ayon sa normal na account leverage settings ng bawat kliyente) pagdating ng Monday ika-23 ng October 2017, ilang sandali matapos i-anunsyo ang resulta ng Eleksyon sa Japan.

Kailangan siguruhin ng mga kliyente na nais magkaroon ng mga open position sa nalalapit na Eleksyon sa Japan na ang kanilang mga trading account ay sapat na napondohan para maiwasan ang anumang pagkakagulo o posibleng margin calls at/o stop-outs sa kanilang pag-trade.