Importanteng Notipikasyon – Pampanguluhang Eleksyon sa France

Ipinaskil Abril 20, 2017 ng 7:00 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nais naming ipaalam sa iyo na ang nalalapit na Pampanguluhang Eleksyon sa France, na gaganapin sa ika-23 ng April 2017, ay maaaring magresulta sa matinding pagbabago sa market, manipis na liquidity, hindi normal na spreads at price gaps sa iba’t-ibang currency, commodity at stock markets sa buong mundo.

Para protektahan ang aming mga kliyente at ang Kumpanya sa inaasahang pagkakagulo sa market dahil sa eleksyon, ipapatupad ng XM ang pansamantalang mga patakaran:

Mula 17:00 p.m. server time (GMT+3) sa Friday, ika-21 ng April 2017, ang kinakailangang margin para sa lahat ng positions (para sa pag-open ng bagong positions at pagpapanatili ng kasalukuyang positions) ay pansamantalang itataas sa:

  • 1% (100:1 leverage) para sa lahat ng currency pairs, Gold at Silver at
  • 4% (25:1 leverage) para sa lahat ng CFDs sa Equity Indices, Commodities.

Ang pansamantalang patakarang ito ay hindi na ipapatupad para sa lahat ng positions at ang kinakailangang margin ay ibabalik sa normal (ayon sa normal na account leverage ng kliyente) sa Monday ika-24 ng April 2017, ilang sandali matapos ang pag-anunsyo ng resulta ng pampanguluhang eleksyon sa France.

Ang mga kliyenteng nais magpanatili ng open positions sa nalalapit na Pampanguluhang Eleksyon sa France ay dapat siguruhin na ang kanilang mga account ay sapat na napondohan para maiwasan ang anumang pagkagambala mula sa posibleng margin calls at/o stop-outs sa kanilang pag-trade.