Importanteng Notipikasyon – UK Referendum

Ipinaskil Hunyo 16, 2016 ng 9:06 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Dahil sa nalalapit na United Kingdom referendum (“EU Brexit” referendum) na magaganap sa ika-23 ng June 2016, at para protektahan ang aming mga kliyente mula sa inaasahang pagkagulo sa market sa paparating na referendum, ipapatupad ng XM ang mga sumusunod na patakaran ngayong weekend:

Mula 23:00 server time (GMT+3) sa Friday, ika-17 ng June 2016, ang kinakailangang margin para sa parehong bago at kasalukuyang position ay pansamantalang itataas sa 1% (100:1 leverage) sa lahat ng currency pairs, Gold, at Silver. Ang mga kinakailangang margin sa iba pang mga instrument ay hindi maaapektuhan.

Ang pansamantalang patakarang ito ay hindi ipapatupad bago magsimula ang market sa Monday, ika-20 ng June 2016at ang kinakailangang margin sa lahat ng currency pairs, gold, at silver ay awtomatikong ibabalik sa nakaraang leverage ng kliyente ayon sa kanilang account.

Ang mga kliyenteng nais magpanatili ng open position sa currency pairs sa mga sumusunod na araw ay dapat siguruhin na sapat na napondohan ang kanilang mga account para maiwasan ang anumang pagkaabala mula sa posibleng margin calls at/o stop-outs sa kanilang pag-trade.

Ang anumang karagdagang patakaran para sa araw ng referendum ay ia-anunsyo sa susunod na linggo.