Importanteng Anunsyo – Nagtayo ang XM ng Opisina sa UK

Ipinaskil Nobyembre 22, 2016 ng 12:27 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayon, ika-22 ng November 2016, ikinatutuwang i-anunsyo ng XM Group ang pagsisimula ng operasyon ng XM UK (Trading Point of Financial Instruments UK).

Ang XM UK, na itinayo sa pinakakilalang sentro ng pinansyal na industriya sa mundo, ang Siyudad ng London, ay nabuo resulta ng patuloy na pangako ng XM Group para maging patas at napiling broker ng lahat ng mga kliyente nito.

Sa opisyal na pag-anunsyo, isinaad ni Pambos Panayiotou, ang CEO ng XM UK, ang sumusunod:

Ipinagmamalaki naming i-anunsyo ang isa na namang pambihirang kaganapan sa kasaysayan ng XM Group, na may malaking kahalagahan sa istratehiya namin at tutulungan kaming lumago at palawigin ang aming operasyon sa Europe sa pamamagitan ng XM brand.

Sa nakaraang apat na taon, palagi naming nakamit ang double-digit na paglago, na itinuturing na pambihira, ngunit nagpapakumbaba pa din kami, nakatuon at dedikado sa aming prinsipyo. Nais naming siguruhing magkaroon ng maayos na paglaki at mainam na paglago, isang paglago na kaya naming ipagpatuloy at panghawakan nang hindi binabago ang aming mga prinsipyo, brand at produkto.

Sa pagpapakilala ng XM UK, nais ipakita ng management sa mga kliyente nito na kahit sa panahon ng maraming regulatory na pagbabago, pinapahalagahan pa din namin ang mga prinsipyo ng pagsasagawa ng pinakamahusay na kasanayan at pagta-trabaho para sa pinakamabuting interes ng mga kliyente.

Ang mga kliyente na nakatira sa UK ay maaaring bumisita sa aming opisina sa Citypoint Building, 1 Ropemaker Street, EC2Y 9HT.