Ayuda para Sugpuin ang Kagutuman sa Sri Lanka

Ipinaskil Hulyo 30, 2024 ng 8:17 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong tag-init, nakipagtulungan kami sa organisasyon na Child Action Lanka para magpamahagi ng pagkain sa mga kapus-palad na kabataan sa Sri Lanka sa susunod na 10 buwan.

Matapos ang halos 30 taong giyera na natigil noong 2009, nahihirapan ang Sri Lanka dahil sa krisis nito sa ekonomiya at mga kinakaharap na panibagong hamon. 17% ng mga taga Sri Lanka ang nakakaranas ng gutom, at 31% ng mga batang nasa preschool ang naghihikahos dahil sa malnutrisyon.

Sa pamamagitan ng seguridad ng makakain at tamang nutrisyon, mapapabuti ang buhay ng mga bata at magagawa nilang makabuo ng mas maliwanag na hinaharap. Isa itong mahalagang hakbang para mapuksa ang siklo ng kahirapan. Nagpapasalamat kami sa Child Action Lanka sa pagbibigay sa’min ng pagkakataong makapagdala ng pagbabago sa buhay nitong mga bata.

Alamin Kung Paano ka Makakatulong

Misyon ng Child Action Lanka na tugunan ang nutrisyunal at pangkalusugang pangangailangan ng mga bata, bigyan sila ng de-kalidad na edukasyon, pigilan ang karahasan at pang-aabuso, at itulak ang kapakanan ng mga bata at kababaihan. Pwede kang magbasa pa at magbigay ng donasyon sa kanilang website.