Pagbibigay ng Ayuda sa mga Binaha sa Thessaly

Ipinaskil Nobyembre 8, 2023 ng 12:42 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong katapusan ng Setyembre, may matinding baha na tumama sa rehiyon ng Thessaly sa Greece. Sinusubukan pa ring bumangon muli ng mga nawalan ng tahanan, ari-arian, at mga mahal sa buhay. Dahil dito, tumulong ang team namin sa Greece na magbigay ng mga pangangailangan sa mga nasalanta para maibsan ang kanilang paghihikahos.

Napakalaking tulong ang ayudang natatanggap kasunod ng isang trahedya. Kaya naman, sa sandaling narinig nila ang balita, agad na kumilos ang aming mga boluntaryo. Bumili sila ng pagkain, gamit panglinis, produktong pangkalusugan, at pagkain ng sanggol, na agad na ipinadala ng organisasyon na Humanity Greece.

Nakikiisa kami sa lahat ng nasalanta nitong kalunus-lunos na kalamidad. Pinasasalamatan namin ang Humanity Greece sa pagsiguro na nakaabot ang donasyon namin sa mga nangangailangan nito. Pwede mo silang tulungan na magbigay ng ayuda sa mga binaha sa Thessaly sa pamamagitan ng pag-donate sa