Tulong sa mga Batang Nagugutom sa Sri Lanka

Ipinaskil Setyembre 6, 2023 ng 9:47 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Hulyo 25, nagbigay kami ng donasyon sa “Proyektong Kusina para sa Lahat” ng Voice for Voiceless Foundation para magpamahagi ng 1,400 na tanghalian sa mga batang mahihirap sa Sri Lanka.

Ang Voice for Voiceless Foundation ay isang kahanga-hangang organisasyon na tumututok sa pagtugon sa napakalaking problema ng kagutuman sa Sri Lanka.

Nagpapatakbo ito sa siyam na magkakaibang lokasyon sa buong bansa upang makapagbigay ng nutrisyon sa mga batang hindi nakakakuha nito. Bukod sa pagtataguyod ng pangkalahatan nilang kapakanan, nagbibigay-daan din ito sa mas malakas at mas matatag na komunidad.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga korporasyon, nasisigurado ng Voice for Voiceless Foundation na makakatanggap ng masustansyang pagkain ang mga batang naghihikahos upang suportahan ang kanilang paglaki.

Layunin ng proyekto na di na kailanman magkaroon ng batang natutulog nang gutom, at ipinagmamalaki namin ang munti naming papel sa pagpapatupad nitong pangarap.

Ang aming donasyon ay sumasalamin sa walang-kupas naming pagtutok sa corporate social responsibility at paniniwala na magbigay ng positibong epekto na lampas sa saklaw ng negosyo.

Sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga inisyatiba tulad ng Proyektong Kusina para sa Lahat, hinahangad naming umunlad ang mga komunidad at magkaroon ng nakikitang pagbabago sa buhay ng mga pinakanangangailangan nito.

Matututunan mo ang tungkol sa nakakabilib na ginagawa ng Voice for Voiceless Foundation dito.

Para magbigay ng donasyon, mag-click dito.