Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.

Paano ako magdadagdag ng Expert Advisor (EA) sa aking terminal?

Madali lang magdagdag ng EA sa iyong terminal, pero kailangan mo munang mag-download nito. Inirerekomenda naming mag-download ka ng mga EA mula sa MQL5 website dahil aprubado ito ng MetaQuotes.

Para mag-download ng EA, kailangan mong gumawa ng account sa MQL5 website, o direktang mag-download mula sa MT4 o MT5 sa pamamagitan ng "Market" window.

Para magdagdag ng EA sa iyong terminal, sundin lang ang mga hakbang sa ibaba:

  1. 1. Buksan ang iyong MT4 o MT5 client terminal
  2. 2. I-click ang "File" mula sa menu at piliin ang "Open Data Folder"
  3. 3. Sa MT4, buksan ang "MQL4" folder at pagkatapos ang "Expert Advisors" folder. Sa MT5, buksan ang "MQL5" folder at pagkatapos ang "Expert Advisors" folder
  4. 4. Ilagay ang na-download na .mq4 o .ex4 file sa "Expert Advisors" folder
  5. 5. I-restart ang iyong MT4 o MT5 client terminal at handa na ito

Kailangan ng tulong?

Kung mayroon kang tanong na hindi sakop ng Help Center, mangyaring makipag-ugnayan sa amin at malugod kang tutulungan ng isa sa aming mga kinatawan.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.