Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.

Ano ang acquisition?

Nangyayari ang acquisition kapag binili ng isang kumpanya ang karamihan o lahat ng shares ng isa pang kumpanya, na magreresulta sa pagkakaroon nito ng kontrol. 50% o higit pa ng shares ng kumpanya ang kailangan para makakuha ng kontrol.

Kahit na matunog sa balita ang malakihang acquisition ng mga kilalang kumpanya, mas karaniwan pa rin ang mga merger at acquisition sa pagitan ng mga kumpanyang maliliit at may katamtamang laki.

May 3 paraan para makuha ang kontrol ng isang kumpanya. Ito ay sa pamamagitan ng:

  • Acquisition, na karaniwang itinuturing na pinagkasunduan
  • Takeover, na karaniwang itinuturing na hindi pinagkasunduan
  • Merger, na gumagawa ng bagong kumpanya sa pamamagitan ng pagsasama ng naunang dalawa

May iba't-ibang dahilan kung bakit nangyayari ang mga merger at acquisition, kabilang ang:

  • Pagkakaroon ng economies of scale
  • Pagbibigay ng dagdag na diversification
  • Pagkuha ng mas mataas na market share
  • Pagpapataas ng corporate synergy
  • Pagpapababa ng mga bayarin
  • Pag-access sa bagong teknolohiya o produkto

Kailangan ng tulong?

Kung mayroon kang tanong na hindi sakop ng Help Center, mangyaring makipag-ugnayan sa amin at malugod kang tutulungan ng isa sa aming mga kinatawan.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.