Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.

Ano ang pagkakaiba ng market at instant execution?

Kapag nagti-trade sa mga market na mabilis gumalaw, sa sandaling nag-place ka ng order, kadalasang nagbabago ang presyo kung saan ka pwedeng mag-open ng position. Sa ganitong kaso, ang pangunahing pagkakaiba ng market at instant execution ay kung makukumpleto ba o hindi ang iyong order.

Sa market execution, palaging pini-place ang iyong mga order sa pinakamagandang available na presyo. Habang sa instant execution, maaaring ma-reject ang iyong mga order, kaya kailangan mong magdesisyon kung ipi-place ito sa bagong na-requote na presyo, o hindi na lang.

Market Execution

  • Mas mabilis (ine-execute ang mga order sa loob ng milliseconds)
  • Garantisadong mag-e-execute ng mga order nang walang requote (galing mismo ang presyo sa market)
  • May mas mataas na tsansa ng slippage kapag may matinding pagbabago-bago (maaaring magresulta sa mas maganda o hindi kanais-nais na presyo)
  • Pinakamagaling na execution para sa mga market na mabilis gumalaw
  • Mas mababang spreads

Instant Execution

  • Mas matagal (pinoproseso lang ang order pagkatapos makumpirma ang na-requote na presyo)
  • Karaniwang nagreresulta sa mga requote
  • Walang slippage (ikaw ang magdedesisyon kung tatanggapin mo ang mga na-requote na presyo)
  • Nagreresulta sa nakakaligtaang oportunidad sa mga market na mabilis gumalaw
  • Karaniwang may nakapirming spreads (malaki kaysa sa tunay na spreads sa market)

Sa XM, palagi kaming may napakahusay na market execution, at sinisigurado ang mabilis na pag-place ng iyong orders sa ni-request na presyo. Ibig sabihin nito, halos 100% kang nakakasigurado na makukumpleto ang iyong order. Magbasa pa tungkol sa market execution.

Kailangan ng tulong?

Kung mayroon kang tanong na hindi sakop ng Help Center, mangyaring makipag-ugnayan sa amin at malugod kang tutulungan ng isa sa aming mga kinatawan.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.