O pumili ng isa sa mga kategorya sa ibaba para makita ang impormasyong hinahanap mo.
Ang aming swap rate ay batay sa institusyonal na swap rate na mula sa mapagkakatiwalaang sources. Ito ang interest rate na tumutukoy kung magkano ang ibinabayad o kinikita ng malalaking pinansyal na kumpanya kapag nagpapanatili ng mga overnight position, at kadalasang tinutukoy bilang porsyento. Isinasalin namin sa puntos ang mga rate na ito, at ito ang halaga na makikita mo sa iyong trading platform.
Forex at mga Spot Metal
Ang swaps sa forex at mga spot metal ay kinakalkula gamit ang tomorrow next rate, na may kasamang maliit na markup. Hindi kami ang nagdidikta nito dahil nagmumula ito sa pagkakaiba ng interest rate ng mga currency sa pair na itini-trade mo.
Swap rate = Laki ng Trade * (+/- Tom-Next Rate - Markup)
Dedepende sa pagkakaiba ng interest rate sa pagitan ng dalawang currency kung magiging positibo o negatibo ba ang tom-next rate. Ang halaga ay kinakalkula at pinapapalitan sa currency ng iyong account.
Halimbawa, ipagpalagay natin na nagti-trade ka ng USDJPY, at ang tom-next rate ay ang sumusunod:
Makikita natin na ang mga interest rate sa US ay mas mataas kaysa sa Japan.
Kung pananatilihin mong naka-open overnight ang isang long position, kikita ka ng 0.5%, na babawasan ng aming markup. Kung humawak ka naman ng short position, sisingilin ka ng 1.5%, na dadagdagan ng aming markup.
Stocks at mga Stock Index
Ang rollover rate sa stocks at mga stock index ay kinakalkula gamit ang pinagbabatayang interbank rate. Halimbawa, para sa isang stock sa Australia, kinakalkula ang rollover gamit ang interest rate na sinisingil ng lokal na bangko para sa mga panandaliang utang, na dadagdagan ng maliit na markup.
Rollover rate = (Laki ng Trade * Presyo sa Pag-close) * (+/- Panandaliang Interbank Rate - Markup)
Dito, ang dagdag o bawas ay depende kung long o short position ang pinanghahawakan mo.
Halimbawa, ipagpalagay natin na nagti-trade ka ng Unilever, na isang stock sa UK, at ang interbank rate ay 1.5% kada taon.
Kung pananatilihin mong naka-open overnight ang isang long position, ang rollover ay -1.5%/365, na babawasan ng aming markup. Kung humawak ka naman ng short position, ito ay magiging 1.5%/365, na babawasan ng aming markup.
Kung mayroon kang tanong na hindi sakop ng Help Center, mangyaring makipag-ugnayan sa amin at malugod kang tutulungan ng isa sa aming mga kinatawan.
Sa kasamaang-palad, hindi available sa bansa mo ang produkto o serbisyo na sinusubukan mong puntahan.
Anong gusto mong gawin?
Gusto ko pa ring tingnan ang website kahit na hindi ako makakapagbukas ng account.
Gusto kong pumunta sa website ng Trading.com, na isang kumpanyang kabilang sa grupo namin, at rehistradong Retail Foreign Exchange Dealer sa Commodity Futures Trading Commission at miyembro rin ng National Futures Association.
Sa pamamagitan ng pagpili sa alinmang opsyon, kinukumpirma ko na sarili kong desisyon at inisyatiba ang magpatuloy. Walang ginawang pagpupumilit o rekomendasyon ang XM o iba pang kumpanya na kabilang sa grupo.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.
Pakilagay ang iyong impormasyon para ma-contact ka namin. Kung mayroon ka nang XM account, pakilagay ang iyong account ID para mabigyan ka ng aming support team ng napakahusay na serbisyo.