Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.

Paano ako makakapag-screenshot?

Sa Windows

Gamit ang Windows desktop o laptop, may ilang paraan para mag-screenshot.

A) Gamit ang keyboard:

  1. 1. Pindutin ang PrtSc (Print Screen) sa iyong keyboard para makopya ang screen papunta sa clipboard
  2. 2. Pindutin ang CTRL + V para i-paste ito sa isang image editing tool (tulad ng Paint) o sa Word o Excel

B) Gamit ang Snipping Tool:

  1. 1. I-click ang Start icon o ang magnifying glass sa mga bagong bersyon ng Windows
  2. 2. Hanapin ang "Snipping Tool" at i-click ito mula sa listahan ng mga resulta
  3. 3. I-click ang "New" para mag-screenshot
  4. 4. Pindutin ang CTRL + V para i-paste ito sa isang image editing tool (tulad ng Paint) o sa Word o Excel

Sa Mac

Para mag-screenshot sa isang Mac desktop o laptop, sundin lang ang mga hakbang sa ibaba:

  1. 1. Pindutin ang Shift + Command + 4 hanggang may lumabas na crosshair
  2. 2. I-drag ang crosshair para mapili ang bahagi ng screen na gusto mong i-screenshot
  3. 3. Para ilipat ang selection, pindutin at huwag bitawan ang Space bar habang dina-drag ito
  4. 4. Para kanselahin ang pag-screenshot, pindutin ang Esc (Escape) key
  5. 5. Para ituloy ang screenshot, bitawan ang mouse o trackpad button
  6. 6. I-click ang thumbnail sa sulok ng iyong screen para i-edit ang screenshot
  7. 7. Default na masi-save sa iyong desktop ang screenshot

Sa Android

Gamit ang Android tablet o smartphone, may ilang paraan para mag-screenshot.

  1. Pindutin nang magkasabay ang Power at Volume Down na button
  2. Pindutin at huwag bitawan ang Power button sa loob ng ilang segundo, at pindutin ang "Screenshot"
  3. Kung hindi ito gumagana, tingnan ang support site ng iyong device dahil pwedeng magkakaiba ang paraan kung paano ito gawin.

Sa iOS

Gamit ang iPad o iPhone, may ilang paraan para mag-screenshot.

Gamit ang Face ID (sa ilang mga model)

  1. 1. Pindutin nang magkasabay ang Side at Volume Up na button
  2. 2. Mabilis na bitawan ang parehong button
  3. 3. May lalabas na thumbnail sa ibabang kaliwa na bahagi ng iyong screen
  4. 4. Pindutin ang thumbnail para buksan ang screenshot o i-swipe pakaliwa para alisin ito

Gamit ang Touch ID (sa ilang mga model)

  1. Pindutin nang magkasabay ang Side at Home na button, at pagkatapos, mabilis din itong bitawan nang sabay
  2. May lalabas na thumbnail sa ibabang kaliwa na bahagi ng iyong screen
  3. Pindutin ang thumbnail para buksan ang screenshot o i-swipe pakaliwa para alisin ito

Kailangan ng tulong?

Kung mayroon kang tanong na hindi sakop ng Help Center, mangyaring makipag-ugnayan sa amin at malugod kang tutulungan ng isa sa aming mga kinatawan.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.