Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.

Paano ko kakalkulahin ang margin?

Kapag nagti-trade ng forex, awtomatiko mong makakalkula ang kailangang margin gamit ang aming forex calculator. Para mano-manong kalkulahin ang kailangang margin para sa isa sa iyong trades sa base currency ng pair na itini-trade mo, pwede mong gamitin ang formula na (Lots x Laki ng Contract / Leverage ng Account).

Para sa mga Standard account, ang laki ng contract sa lahat ng instrument sa forex ay 100,000 units. Para sa mga Micro account, ang laki ng contract sa lahat ng instrument sa forex ay 1,000 units.

Tingnan natin ang isang halimbawa para maipaliwanag ito nang mas maayos. Ipagpalagay na mayroon kang Standard trading account na nasa USD, at gusto mong mag-trade ng 1 lot ng EURUSD sa leverage na 30:1. Ang kailangang margin para sa trade na ito ay kakalkulahin bilang (1 x 100,000 / 30) = 3,333 EUR, dahil Euro ang base currency ng pair. Kaya lang, dahil nasa USD ang iyong trading account, awtomatikong papalitan ito ayon sa kasalukuyang exchange rate.

Kapag nagti-trade ng gold o silver, pwede mong kalkulahin ang kailangang margin gamit ang formula na (Lots x Laki ng Contract x Presyo sa Pag-open / Leverage ng Account).

Kapag nagti-trade ng CFDs, pwede mong kalkulahin ang kailangang margin gamit ang formula na (Lots x Laki ng Contract x Presyo sa Pag-open x Porsyento ng Margin).

Kailangan ng tulong?

Kung mayroon kang tanong na hindi sakop ng Help Center, mangyaring makipag-ugnayan sa amin at malugod kang tutulungan ng isa sa aming mga kinatawan.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.