Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.

Ligtas ba ang perang idineposito ko sa XM?

Oo, kami ay isang reguladong broker na pinagkakatiwalaan ng milyon-milyong trader sa buong mundo, at marami kaming patakaran para masigurado ang seguridad ng iyong pera. Mahigpit din kaming sumusunod sa Markets in Financial Instruments Directive (MiFID), para sa mas mataas na proteksyon ng konsyumer.

Ito ang ilan sa mga patakaran na ipinapatupad namin:

Paghihiwalay ng pondo ng mga kliyente: nakahiwalay sa magkakaibang account ang lahat ng pera ng mga kliyente, kung saan hiwalay ito sa sariling pera ng kumpanya. Ibig sabihin, kung sakaling nalugi ang kumpanya, protektado pa rin ang pera mo

Mga kilalang partner na bangko: lahat ng pondo ng kliyente at kumpanya ay nasa accounts sa mga kilalang institusyon sa Europa

Investor Compensation Fund (ICF): kung sakaling malugi o masuspinde ang mga serbisyo, babayaran ng kumpanya ang lahat ng kliyente batay sa prayoridad

Pinapangasiwaan ang regulasyon: bilang reguladong investment firm sa Cyprus, kailangan naming sumunod sa mahihigpit na pangangailangan, kabilang ang pagsusumite ng pangpinansyal na ulat buwan-buwan at kada quarter sa Cyprus Securities and Exchange Commission (CySEC). Ayon sa batas kailangan naming magpanatili ng sapat na kapital para sagutin ang deposito ng mga kliyente, posibleng pagbabago-bago sa mga kasalukuyang position ng kumpanya, at iba pang gastusin. Taon-taon, ipinapaalam sa tagapangasiwa ang anumang kakulangan sa pamamagitan ng detalyadong audit na isinusumite ng isang independiyenteng internal auditor. Maliban dito, nagsasagawa rin ng taunang audit ang external auditor sa financial statements ng kumpanya

Handa ka na bang magbukas ng demo o real account?

Kailangan ng tulong?

Kung mayroon kang tanong na hindi sakop ng Help Center, mangyaring makipag-ugnayan sa amin at malugod kang tutulungan ng isa sa aming mga kinatawan.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.