Engrandeng Seminar Tour Magsisimula sa Malaysia Ngayong July

Ipinaskil Mayo 11, 2017 ng 9:50 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang tugon sa lumalawak na pagtangkilik ng mga kliyente para sa forex trading seminar ng XM sa Malaysia, magsasagawa na naman ang XM ng bagong seminar tour sa 5 na siyudad sa Malaysia sa pagitan ng July at November 2017.

Ang serye ng mga seminar ay nagsimula sa Malaysia ngayong tagsibol ay nagpapatuloy pa, at maaari nang mag-rehistro ang mga kliyente para sa mga forex trading seminars na isasagawa sa tag-init at taglagas: Melaka sa 29 July, Terengganu sa 19 August, Kedah sa 30 September, Kota Bharu sa 21 October, at Kuantan sa 11 November.

Sa bawat siyudad, magsasagawa ang tanyag na instruktor na si Zulle Razak ng presentasyon na pinamagatang Confluence Techniques sa Forex Trading, na idinisenyo para tugunan ang mga pangangailangan ng mga baguhan at batikang traders na nais matuto sa mga confluence techniques na ginagamit sa spot forex trading. Ang paksa ng seminar ay maraming mga detalye na kaugnay sa iba’t-ibang trading techniques na maaaring ipagsama sa isang epektibong istratehiya sa pag-trade na nababagay sa trading goals ng investor at para sa risk management.

Ang intensibong seminar ay mayroong pang-umaga at panghapong sesyon, at may sapat na oras para sa mga dadalo na hindi lamang maintindihan ang kahalagahan ng mga konsepto na ipi-presenta ngunit makikita rin nila kung paano ito tumatakbo sa tunay na buhay gamit ang mga praktikal na halimbawa na ipapakita ni Zulle Razak.

Ang seminar presenter na si Zulle Razak, kasama ng mga miyembro ng XM na dadalo sa event, ay nais nang makilala ang aming mga kasalukuyan at bagong kliyente sa alinman sa lokasyon ng seminar na may paksa na maaaring magpabuti sa kanilang pag-trade.

Mag-click dito para magbasa pa sa detalye ng seminar at mag-rehistro na sa event at petsa na nababagay para sa iyo.