Nagsagawa pa ng mga Matagumpay na Seminar sa Thailand

Ipinaskil Hulyo 25, 2018 ng 7:03 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos ang mahabang serye ng mga forex trading seminar na isinagawa sa magkakaibang siyudad sa Thailand ngayong taon, nitong July natutuwa kaming makilala ang mga online investors sa Phitsanulok at Hat Yai, kung saan nagsagawa kami ng libreng seminar tungkol sa mga pamamaraan sa online trading.

Nagbigay na naman ang tagapagsalita na si Sompop Jittrakul ng makabuluhan at detalyadong presentasyon sa kung paano bigyang-kahulugan ang bullish vs bearish reversals at breakouts para malaman ang lakas ng market trend at malaman kung kalian papasok o lalabas sa trade, pati na kung paanong regular na maglapat ng risk management.

Natutuwa kaming makipag-ugnayang muli sa marami sa aming kasalukuyang kliyente, at kilalanin ang maraming bilang ng mga bagong kliyente na sumama sa aming seminar sa Phitsanulok at Hat Yai. Dahil ang seminar ay dinisenyo para makapagbigay ng praktikal na impormasyon na magagamit ng parehong baguhan at batikang traders, ang mga detalye na ipinaliwanag ni Sompop Jittrakul ay kumuha sa atensyon ng lahat ng dumalo.

Ipagpapatuloy namin ang aming mga seminar sa Thailand kaya naman nais naming imbitahan lahat ng mga interesado pang matuto sa technical analysis na dumalo sa aming seminar na gaganapin sa Korat sa August 4 at sa Chonburi sa August 18.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye at mag-rehistro na sa seminar na gaganapin sa siyudad at petsa na iyong napili mag-click dito.